Showbiz News

LOOK: 'Pepito Manaloto' star John Feir, hindi makapaniwalana may bituin siya sa 'Walk of Fame'

By Aedrianne Acar

Itinuturing ni Kapuso comedian John Feir na malaking karangalan ang pagkakabilang niya sa listahan ng mga artista na may sariling bituin sa Walk of Fame.

IN PHOTOS: Kapuso stars, reporters who just earned their Walk of Fame stars

Sa Instagram post ng Pepito Manaloto actor, hindi pa rin siya makapaniwala na nakatanggap siya ng ganitong recognition sa kanyang home network.

Proud din siya nagpa-picture sa kanyang Walk of Fame star.

“Isa pong karangalang ang mapabilang sa GMA Walk of Fame. Ni sa hinagap hindi ko akalain na mapapabilang ako sa hanay ng mga hinahangaan at iniidolo kong mga Artista at Personalidad sa telebisyon.

“Maraming maraming maraming salamat po GMA #GMA7Network #GMAArtistCenter #Kapuso #humbledandhonored #maypusonamaystarpa #PepitoManaloto”


Matatandaandin na muling nag-renew ng kanyang kontrata si John with GMA Artist Center last month.

LOOK: Top comedian John Feir remains a Kapuso