TV

John Feir to his 'Pepito Manaloto' family: 'Lapit na tayo magkita-kita'

By Aedrianne Acar

Isa ang award-winning Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento na lubos naapektuhan ng pandemya, matapos tumigil sa taping simula noong Marso, dahil sa enhanced community quarantine (ECQ).

Pansamantalang reruns ng past episodes ng Pepito Manaloto ang napapanood tuwing Sabado ng gabi.

Sa Instagram post ng isa cast nito na si John Feir na gumaganap bilang si Patrick, ang malapit na kaibigan ni Pepito, ipinasilip nito ang isang throwback photo with the cast at production team ng show.

Tila may pahiwatig din ito na maaring mag-simula na uli sila ng taping para sa fresh episodes ng sitcom soon.

“Guys practice lang to ha next time tayo magpa picture di na puedeng tabi tabi.

“Lapit na tayo magkita kita #socialdistancing #staysafe #PepitoManaloto.”

Napa-react naman sa post ni John sina Manilyn Reynes at Mosang na ramdam din ang pagkasabik na mag-taping para sa multi-awarded comedy show ng GMA-7.

Samantala, naka-recover na ang lead actor at creative director ng Pepito Manaloto na si Michael V. mula sa COVID-19.

RELATED CONTENT:

John Feir and Arthur Solinap review a drone in Michael V's vlog

YouLOL: Hotdog ni Patrick, dudurugin ni Baby?!