Showbiz News

Kyline Alcantara, nagpamigay ng Christmas gift baskets

By Marah Ruiz

Sumabak ni Kapuso singer and actress Kyline Alcantara sa tatlong mini challenges para makakuha ng Christmas gift baskets na maari niyang ipamigay sa mga nangangailangan.

Kyline Alcantara


Sa loob ng isang minuto, kailangan niyang gumawa ng plastic cup tower, makarami ng pagsasalin ng cotton balls habang nakapiring at magbalot ng regalo.

Swerte namang tagumpay siya sa tatlong challenges!

Lumibot naman siya sa Quezon City para makahanap ng tatlong taong bibigyan niya ng regalo.

"Na-enjoy ko siya. Iba sa pakiramdam ko 'pag nakikita silang naka-smile," pahayag ni Kyline tungkol sa kanyang experience.

"Ang saya at buo na 'yung araw ko. I'm very very happy na nagawa ko siya ulit ngayon," pagpapatuloy niya.

Panoorin kung paano niya napanalunan ang tatlong gift baskets na ipinamigay niya sa online exclusive video na ito.

Meet Miss Santa! 🤶 Kapuso artist of the month @itskylinealcantara takes on a challenge to share joy this Christmas! Watch here: For more exclusives from your favorite stars, follow @gmanetwork now!

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork) on

Si Kyline ang artist of the month ngayong Disyembre para sa Kapuso Artistakeover.

WATCH: Kyline Alcantara reviews toys from the '90s

WATCH: Get 'unready' with Kyline Alcantara