Showbiz News

Aiai Delas Alas, magnanakaw sa family comedy film na 'D' Ninang'

By Jansen Ramos

Non-stop ang paggawa ng pelikula ng nag-iisang Comedy Queen na si Aiai Delas Alas.

Aiai Delas Alas

Sinarado niya ang taong 2019 sa pamamagitan ng pagkakabilang sa MMFF 2019 movie na 3pol Trobol: Huli Ka Balbon, at sinalubong din ang taong 2020 sa pamamagitan ng isa na namang pelikula.

Aiai Delas Alas joins Jennylyn Mercado in MMFF 2019 movie '3pol Trobol: Huli Ka Balbon'

Gaganap si Aiai bilang magnanakaw na tumutulong sa kanilang komunidad sa family comedy film na D' Ninang na mula sa Regal Films.

Sa kuwento ng pelikula, makikilala ng kanyang karakter ang kanyang long-lost daughter na si Mikay, gagampanan ni Kisses Delavin, na walang ideya tungkol sa kanyang ilegal na gawain.

"Ako po ay isang ninang dito, ako 'yung lider ng mga magnanakaw. Si Angel Guardian [Sol] 'yung right hand ko tapos bigla kong na-meet 'yung anak ko si Kisses [Mikay] and do'n iikot 'yung istorya kung paano ko naging isang ina, kung paano ko naging magnanakaw. Lahat ando'n," sambit ni Aiai sa Q & A ng grand media launch ng D'Ninang noong January 8.

"Pampamilya 'to, ibang klaseng istorya naman 'to. Iba 'yung tema ng movie, nakakatuwa kasi hindi siya gory, chill s'ya, maganda 'yung mga batuhan ng mga comedy."

Sabi pa ni Aiai, "'Di ko ine-expect na gano'n pala s'ya nakakatawa. Simple lang s'ya, may puso, at saka napapanahon din 'yung istorya.

"Siyempre mahirap, mga mangnanakaw, and nakakatuwa kasi 'yung mga bagets na nandito ay talagang binuhos nila 'yung galing nila sa pelikula."

Bukod kay Kisses, kasama rin ni Aiai sa D'Ninang sina Kiray Celis, Kelvin Miranda, Joey Marquez, McCoy De Leon, at Lou Veloso.

Ang D' Ninang ay idinerehe ni GB Sampedro at mapapanood na simula January 22.


Kapuso Showbiz News: Aiai Delas Alas, magnininang sa mga hindi kakilala

Kapuso Showbiz News: Aiai Delas Alas, kontra sa same-sex marriage