Showbiz News

WATCH: Pops Fernandez at Martin Nievera, magdaraos ng Valentine concert

By Dianara Alegre

Nese-senti pa rin umano si Concert Queen Pops Fernandez sa tuwing napag-uusapan ang dalawa nilang anak ng kapwa singer na si Martin Nievera, sina Robin at Ram Fernandez.

Ibinahagi rin niya na super proud siya sa tuwing makakasama niyang magtanghal ang dalawang anak sa stage.

Aniya, “Pinipigilan ko parati 'yung luha ko. Parati ko sinasabi, 'nakakahiya naman na every show umiiyak ako. Tapusin mo naman 'yung kanta.'

“Pero minsan napipigilan ko. Minsan na-o-overwhelm pa rin ako. Depende siguro sa spiels ko. Depende rin siguro sa performance ng mga bata,” dagdag pa ni Pops.

Ngayong February ay muli hahandugan ni Pops ang kanyang fans ng concert, ang “Two-gether Again” Valentine concert nila ni Martin.

This time, buong pamilya silang magtatanghal dahil tampok din sa show sina Robin at Ram.

Panoorin ang buong 24 Oras report:

Kapuso Showbiz News: Pops Fernandez talks about her upcoming concert with Martin Nievera

Pops Fernandez, naiyak nang ikuwento ang first meeting nila ng anak ni Martin Nievera na si Santino