Showbiz News

WATCH: Pops Fernandez, emosyonal nang pag-usapan ang anak ni Martin Nievera na si Santino

By Dianara Alegre

Emosyonal si Concert Queen Pops Fernandez nang mapag-usapan ang special bond nila ng anak ng dati niyang asawang si Concert King Martin Nievera kay Katrina Odeja.

Sa interview ni Lhar Santiago, ikinuwento ni Pops ang relasyon nila ng 12 taong gulang na si Santino.

Nakasama ni Pops sina Katrina, Santino, at Martin pati na rin ang anak nilang sina Robin at Ram nitong nakaraang Pasko.

Kakaiba at espesyal umano ang pagmamahal ni Pops kay Santino.

“I didn't expect that we will have that love for each other. It's an automatic thing,” sabi pa ni Pops.

“A lot of people don't know this but my son is on the spectrum. Kasama din 'yun sa love niya kay Santino,” pahayag naman ni Martin.

Matatandaang nagkamabutihan sina Pops at Martin sa '80s Kapuso show na Penthouse Live at kahit hiwalay na ay mabuti pa ring magkaibigan ang dalawa.

Samantala, magkakaroon ng Valentines concert sina Pops at Martin, ang “Two-gether Again” sa The Theater at Solaire. Makakasama nilang magtanghal dito ang mga anak nilang sina Robin at Ram.

Mapapanood sa loob ng pitong araw ang “Two-gether Again” concert.

EXCLUSIVE: Pops Fernandez as a 'Centerstage' judge: "I'm going to be an honest, nice judge to the kids"

WATCH: Pops Fernandez at Martin Nievera, magdaraos ng Valentine concert