advertisement
Showbiz News

Celebrities at ang mga damit nilang naging kontrobersyal

1 of 20

Vicki Belo

Pasok sa ating listahan ng mga celebs na pinag-usapan sa social media ang doctor of the stars na si Vicki Belo

2 of 20

Cristalle's wedding

Inulan ng pambabatikos si Dr. Vicki mula sa netizens dahil sa suot niyang Oscar de la Renta gown sa kasal ng kanyang anak na si Cristalle Belo sa Italy. May mga nag-bash pa sa kanya at tinawag na 'bedsheet' ang kaniyang OOTD. Heto naman ang naging sagot ni Dr. Belo sa kaniyang mga bashers, “It's not who wore it better, but who has the better accessory.”

3 of 20

MJ Lastimosa

Pinagpiyestahan din sa social media ang naging national costume ni Miss Universe Philippines Mary Jean Lastimosa ng sumali siya ng 2014 Miss Universe.

advertisement
4 of 20

Miss Universe

Maraming Pinoy ang hindi nagustuhan ang pinasuot na national costume kay Mary Jean. Pinuna mga mga netizens ang naging desisyon ni Binibining Pilipinas Charities, Inc. founding chairperson Stella Marquez Araneta na kunin ang serbisyo ng Colombian designer na si Alfredo Barraza para bihisan noon si Mary Jean Lastimosa.

5 of 20

Maria Isabel Lopez

Naging laman ng balita ang veteran actress na si Maria Isabel Lopez ng ito ay umattend sa Cannes Film Festival taong 2009 at 2016.

6 of 20

62nd Cannes Film Fest

Ayon sa kuwento ni Maria Isabel, napabilang siya sa worst dressed list noong 2009 nang siya ay umatted ng 62nd Cannes Film Festival. Kasama siya sa pelikula ni Direk Brillante Mendoza na official entry sa film festival.

advertisement
7 of 20

2016 Cannes

Nabalot din ng kontrobersya ang pagpunta muli ni Maria Isabel Lopez ngayong taon sa 2016 Cannes Film Festival. Maraming netizens kasi ang pumuna kay Maria Isabel dahil sa diumano'y pangangabog nito sa kaniyang mga co-stars sa Ma' Rosa sa red carpet ng international film festival. Likha ni Albert Andrada ang emerald green gown na sinuot ng aktres sa Cannes. Humingi naman ng paumanhin si Maria Isabel sa kaniyang mga kasama sa pelikula at publiko, dahil hindi raw dapat siya ang pinag-usapan kundi ang pelikula nila.

8 of 20

Kiray Celis

Usap-usapan din online ang naging suot ng dating childstar na si Kiray Celis nang minsang siyang umattend sa isang ball noong 2013.

9 of 20

2013

Napasama kasi si Kiray sa worst dressed list ng ilang mga blog at fashion website at naging tampulan ng tukso online.

advertisement
10 of 20

Senator Nancy Binay

Hindi rin nakaligtas si Senator Nancy Binay mula sa mga bashers nang kumalat sa internet ang larawan niya noong 2014 State of the Nation Address na suot ang gown na likha ni Randy Ortiz.

11 of 20

2014 SONA

Tinawanan lamang ng senadora ang mga nagsulputang memes patungkol sa kaniyang gown at sinabing 'Favorite ko 'yung Princess Fiona (meme).''

12 of 20

Tamang Panahon

Hindi rin malilimutan ng mga dabarkads ang pinag-usapang gown ni Maine Mendoza sa Tamang Panahon benefit concert. Napansin kasi ng ilang netizens na ang pink gown na suot ni Maine ay naisuot na rin daw ni Kim Chiu taong 2013 sa Francis Libiran Metrowear Icon fashion show. Sa opisyal na pahayag ng designer na si Francis Libiran sinabi nito na “We are so glad, honored, and grateful that Maine Mendoza and her official stylists, Stylized Studio, Inc., chose a beautiful Francis Libiran dress from our Spring/Summer 2015. Maine Mendoza's gown at Eat Bulaga's Tamang Panahon concert for a cause was bought and paid for by Eat Bulaga Production.”

advertisement
13 of 20

Gucci

Matatandaan din na kinasuhan ng celebrity stylist na si Liz Uy ang blogger na si Michael Sy Lim na may hawak sa Fashion Pulis. Ayon sa kaso na isinampa ni Ms. Uy, kinasuhan niya si Lim ng grave slander matapos diumanong sabihin ng blogger sa isang dinner event sa Manila Peninsula sa ilang guests noong October 28 na ipinasuot daw ni Liz Uy ang isang “hand-me-down” Gucci jacket kay Maine Mendoza ng ito ay mag-shoot para sa Preview Magazine. Ayon sa reklamo, nakita daw ni Isabelle Daza ang lahat ng pangyayari nang sinabi daw ito ni Michael Sy Lim.

14 of 20

Solenn Heussaff

Hindi naiwasang sagutin ng Encantadia star Solenn Heussaff ang naging tugon ng isang basher sa ipinost niyang larawan sa Instagram. Makikita sa post ni Solenn na suot niya ang isang bikini habang nagre-relax sa tabi ng isang pool. Ayon sa netizen na si @iam_arleneski, mas mabuti pa daw a maghubad na lang ang Kapuso actress. Sumagot si Solenn sa basher at sinabi na “Ay oo nga! Sorry! Naka-jeans at turtle neck ako sa swimming pool para mas maganda tan ko.”

15 of 20

Pre-wedding

Certified trending at hot topic sa social media ang pre-wedding photos ng soon-to-be married couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa bansang Ethiopia. Maraming netizens kasi ang pumana sa ilang larawan ng dalawa dahil “culturally inappropriate” diumano ang mga ito.

advertisement
16 of 20

Meme

Agaw-atensyon din ang ilan sa mga OOTDs nina Billy at Coleen. Ayon sa mga netizens, ang mga tela ng kanilang damit ay may pagkakahalintulad sa ilang mga gamit tulad ng pillow case, bag at sofa.

17 of 20

Maggie Wilson

Did former beauty queen Maggie Wilson wear an offensive all-black OOTD during her trip in Jordan? One netizen ask the Miss World Philippines title holder if her sexy outfit was appropriate in Jordan where majority are Muslims. Maggie replied and defended her OOTD saying that people wear bikinis and swimsuits at the beach and no one cares.

18 of 20

Kim Chiu

Naglabas ng sama ng loob ang award-winning international fashion designer na si John Herrera tungkol sa kampo ng Kapamilya actress na si Kim Chiu. Ayon sa ulat ng ilang entertainment website, lumikha ng Php 100,000 gown si John para suotin ni Kim sa 66th FAMAS awards night. Pero nagkaroon ng miscommunication sa kampo ng aktres at ng designer. Sa huli, hindi naisuot ni Kim Chiu ang creation ni John Herrera. Sa ulat ng PEP.Ph, may pagkakataon pa daw na hindi pinapasok ang team ni John Herrera sa village kung saan nakatira si Kim para sa fitting nito. Sa huli ay naayos din ang sigalot ng dalawa matapos i-tweet nila ang isa't-isa at nagpahayag sila na gusto na nilang mag-move mula isyu.

advertisement
19 of 20

Devon Seron

Kapuso actress Devon Seron didn't feel offended when a netizen named @hannahzee66 pointed out that Devon's OOTD--a red plaid polo and skirt that she wore for a promotional mall show for her new film 'Walwal'-- was a "big fashion disaster." Devon explained that she was sick at the time of the event but still felt "pretty amazing" in the controversial OOTD. She then reminded her followers that everyone has their own taste and style.