Aiai Delas Alas, sumang-ayon kay Luis Manzano sa pag-post sa social media ng charity work
Published On: January 18, 2020, 04:29 PM
Nabatikos man si Luis Manzano matapos ang paghayag niya na hindi lahat ng naitulong ng isang tao ay dapat pang ipakita sa social media, nagpahayag pa rin ng pagsang-ayon dito ang si Aiai Delas Alas.
Nag-react si Aiai sa tweet ni Luis at nagpakita ng suporta sa aktor.
Ayon kay Aiai, “Bravo luis…isa sa pinaka generous at nakakatawa at mabait na tao sa industriya.
“'Di kailangang ilagay sa social media ang mga itinutulong… kung gusto pwedeng ilagay para ma-inspire ang mga ibang tao gayahin ang mga artista na.”
Nagpasalamat din si Aiai kay Luis at sa lahat ng mga tumutulong sa mga biktima ng bulkang taal.
“Salamat luis and sa lahat ng artista at mga KABABAYAN natin na tumulong sa mga naapektuhan ng bulkan taal.”