Showbiz News

WATCH: Sanya Lopez, pinangalanan ang celebrities na 'Jojowain o Totropahin'

By Cherry Sun

Pinangalanan ni Sanya Lopez sa isang exclusive video para sa #SanyaArtisTakeover kung sinu-sino sa mga male celebrity ang pasado sa kanya bilang jowa at kung sino-sino ang mananatiling tropa.

Sumabak sa 'Jojowain o Totropahin' challenge si Sanya bilang Kapuso Artist of the Month. Dito ay nagbigay siya ng opinyon tungkol sa most eligible bachelors sa Pinoy showbiz at pati na abroad.

Kabilang dito sina Derrick Monasterio, Benjamin Alves, Rocco Nacino, Ken Chan, Gil Cuerva, David Licauco, Zac Efron, at Chris Evans.

Sino nga kaya ang pasado para kay Sanya?

WATCH: Sanya Lopez, diretsahang sinagot ang ilang tsismis

Matapos nito, sumabak din ang Kapuso actress sa isang 'Meriendate.' Ang challenge, kailangan ni Sanya ilarawan ang mga kakaibang Pinoy food combo sa iba't ibang emotions.

Paano kaya niya ide-describe ang mangga at suka, ang kamatis na may banana kétchup, ang ice cream na nasa tinapay, ang hotdog at marshmallow, at saging na may peanut butter?

Panoorin:

Ilang tulog na lang #LoveMonth na! Kaya naman tutulungan natin si Kapuso artist of the month @sanyalopez na mahanap ang kanyang “the one!” Watch HERE: #SanyaArtisTakeover

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork) on

EXCLUSIVE: Sanya Lopez does naughty, funny dares in a game of basketball

EXCLUSIVE: Sanya Lopez reveals who she's dating, answers other controversial questions