Showbiz News

Dingdong Dantes, magpe-perform sa dance reunion concert ng Streetboys, UMD, at Manoeuvres

By Jansen Ramos

Special guest si Dingdong Dantes sa ultimate dance reunion ng '90s all-male dance groups na Streetboys, Universal Motion Dancers (UMD), at Manoeuvres.

Dingdong Dantes, magpe-perform sa dance reunion concert ng Streetboys, UMD, at Manoeuvres

Muling siyang magpe-perform kasama ang tatlong dance groups na kasabayan ng kanyang dating grupong Abztract Dancers sa dance concert na pinamagatang “90's Dance Concert: Panahon Ko 'To" na magaganap sa Biyernes, January 31, sa Vertis Teent sa Quezon City.

Bukod kay Dingdong, miyembro rin ng Abztract Dancers ang pinsan niyang si Arthur Solinap at dating T.G.I.S. co-star ng Kapuso Primetime King na si Dino Guevarrra.

"I'm going back to my roots," pahayag ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) actor sa isang panayam ng GMA reporters kamakailan.

"Para sa 'kin talaga, ito ang baptism of fire ko sa industriyang 'to.

"Lahat ng mga naging teacher ko nando'n, lahat ng mga nag-inspire sa 'king mag-artista nando'n, mga idol ko nando'n.

"So napakasarap balikan no'n lalung-lalo na sumayaw ulit on stage after decades."

Dagdag pa ni Dingdong, "Saka 'yung grupo namin kumpleto."

Special guest din sa “90's Dance Concert: Panahon Ko 'To" dance concert sina Andrew E. at Lei Bautista ng all-female Filipino pop-rock group na Prettier Than Pink.

LOOK: Paul Salas dances to "Always" and other '90s hits