Showbiz News

Nicole Scherzinger, Niall Horan, at iba pang international artists, hanga rin kay Carl Montecido

By Jansen Ramos

Bukod kina Sam Smith at Kelly Clarkson, humanga rin ang iba pang international singers gaya nina Nicole Scherzinger, Niall Rohan, Ty Dolla Sign, Bebe Rexha, at Luke Evans sa "Too Good At Goodbyes" cover ng dating The Clash finalist na si Carl Montecido.

Ito ay matapos mag-viral ang video ng Bacolod native sa Facebook kung saan mapanood ang version niya ng 2017 hit sa isang karaoke station sa isang mall.

International singers Sam Smith and Kelly Clarkson react to viral Pinoy student's cover of "Too Good at Goodbyes"

Sa ngayon, maayroon na itong mahigit 10 million views sa social networking site.

Nagkomento ang mga nabanggit na foreign singers sa post ng English singer-songwriter na si Sam Smith, kung saan ini-reupload niya ang viral performance ni Carl.

A post shared by Sam Smith (@samsmith) on


Basahin ang kanilang komento rito:

Pinuri rin ng iba pang foreign artists at personalities ang version ni Carl ng "Too Good At Goodbyes."

WATCH: Ex-The Clash finalist Carl Montecido, nagpasalamat sa uploader ng kanyang viral video

The Clash 2019: Carl Montecido | Clashers