Showbiz News

WATCH: Althea Ablan at Jillian Ward, nagpasample bilang Darna at Marimar

By Aaron Brennt Eusebio

Maraming netizens ang nagsasabi na little Angel Locsin ang isa sa lead stars ng Prima Donnas na si Althea Ablan.

Ayon sa iba, puwedeng gampanan ni Althea ang Darna na ginampanan noon ni Angel sa Kapuso Network.

Nang makausap ni Althea ang ilan sa piling bloggers kahapon, February 11, sa Palm Grill sa Tomas Morato, nag-react si Althea ukol dito.

"Siyempre po sobrang nakakatuwa kasi sobrang dami pong nagsasabi sa akin na next Angel Locsin na Darna," pahayag ni Althea.

"So why not? Kasi ako po mahilig talaga ako magsuot ng costume."

Samantala, nagbigay din ng pahayag si jillian Ward tungkol sa trending niyang Instagram posts ng Mayi-mar.

Panoorin ang kanyang reaksyon sa video na ito:



Tutukan si Althea sa Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado sa GMA Afternoon Prime.