Showbiz News

Alden Richards, may rebelasyon tungkol kina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

By Jansen Ramos

May rebelasyon si Alden Richards noong nag-guest ito sa 'CoLove Live' concert nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Alden Richards, Dennis Trillo, at Jennylyn Mercado

Matapos mag-perform ng ilang awitin, kinuha ng Asia's Multimedia Star ang pagkakataong ipahayag ang kanyang paghanga sa real life couple sa harap ng kanilang fans.

Sambit ni Alden, "Tinanong ako, bakit ako andito? Parang ano ba ang silbi ko sa buhay nina Jennylyn at Dennis?

"Pero sabi ko, 'kasi fan ako, e.' 'Di ako fan dahil artista sila, 'di ako fan dahil magagaling silang aktor at aktres, hindi ako fan dahil magaling silang mag-perform at umawit."

Pagbunyag ni Alden, tagahanga siya nina Jennylyn at Dennis dahil sa kanilang kabutihan.

"Fan ako kasi tao sila. Mabubuti silang tao, witness ako do'n. Nakasama ko sila sa mga proyekto ko sa GMA."

Dagdag papuri pa ng Centerstage host kina Jennylyn at Dennis, "[Dalawa] sila sa mga rare gems ng industriya kaya proud ako na nakasama 'ko sa concert nila na 'CoLove.'

"So masaya ako na andito ako ngayon, kasi ginawa ko 'to para maipakita at masabi ko sa inyo kung gaano silang kabuting tao sa mga artistang tulad namin.

"Saka sana maging inspirasyon sila ng mga tao at ng ibang mga artista na nagsisimula."

Nar Cabico experiences 'last minute magic' at CoLove concert

Alex Gonzaga, nag-reklamo kina Jennylyn Mercado and Dennis Trillo