Showbiz News

WATCH: Marian Rivera, magbabalik-primetime kasama si Gabby Concepcion sa 'First Yaya'

By Cherry Sun

Handa na si Marian Rivera sa kanyang pagbabalik-primetime. Makakasama rin niya sa upcoming Kapuso series na First Yaya si Gabby Concepcion sa unang pagkakataon.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, matagal nang nakaabang ang proyektong First Yaya para kay Marian ngunit dahil naging priority ng Kapuso Primetime Queen ang kanyang pamilya, ngayon pa lang ito matutuloy.

FIRST LOOK: Marian Rivera and the cast of the upcoming Kapuso series, First Yaya

Ani Marian, “Ito finally. Eto, medyo 'yung separation anxiety ko at 'yung pag-aalaga ko sa anak ko ay medyo nao-overcome ko na. So very thankful ako sa GMA na talagang hinintay nila 'yung talagang pakiramdam ko na kaya ko na magtrabaho ulit.”

Dagdag din ng aktres, makakatulong sa kanyang pagganap ang kanyang pagiging hands-on mom kina Zia at Ziggy.

#TeamDantes: The growing, beautiful family of Dingdong Dantes and Marian Rivera

“Malaking magiging factor nun kasi ang hirap umarte na isang bagay na hindi mo pa nararanasan eh. At least itong sa First Yaya, 'yung mga eksena dito at least naranasan ko na. Nag-aalaga ng bata,” paliwanag niya.

Sa First Yaya din unang beses mapapanood ang kanilang tambalan ni Gabby. Sa kuwento, gaganap ang aktor bilang bise-presidente na kalauna'y hahali sa pangulo. Siya ang gaganap na ama ng mga batang aalagaan ni Marian at mapapaibig dito sa huli.

Pahayag ni Gabby, “Nangyayari 'yan sa maraming buhay. Love kasi has no boundaries. Ako para sa akin mas gusto ko nakikita 'yung the lighter side of the president or the lighter side of what happens to a president's life.”

Makakasama nina Marian at Gabby sa Kapuso series sina Pilar Pilapil, Sandy Andolong, Glenda Garcia, Pancho Magno, Kelvin Miranda, Cassy Legaspi, Princess Aguilar at Bae-by Baste. Ang First Yaya ay nasa ilalim ng direksyon ni LA Madridejos.