Showbiz News

Kim de Leon at Lexi Gonzales, bagong ambassadors ng Occupation Safety and Health Center

By Cara Emmeline Garcia

Isang malaking parangal para kina Kim de Leon at Lexi Gonzales ang mapasama sa apat na bagong ambassadors ng Occupation Safety and Health Center (OSHC) ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong taon.

Napili ang dalawang StarStruck alums bilang boses ng kabataan para ipalaganap ang mahusay at ligtas na pinagtatrabahuhan.

Ibinahagi naman ng dalawa kay 24 Oras reporter Lhar Santiago at GMANetwork.com ang kanilang tuwa na mapasama sa latest campaign ng kagawaran ng gobyerno.

Sambit ni Lexi, “We're honored of course kasi we're going to be influencing a lot of young workers like us na, we have to be safe and we have to follow some safety guidelines in order to be safe for our families.”

Dadgdag pa ni Kim, “Sobrang grateful rin kami and very relevant kasi as young workers, kahit sa work place namin as artists, may mga safety hazards rin kaming dapat malaman kaya importante na kasama namin ang OSHC para matukoy ito.”

Anila, very timely raw ang pagpili sa kanila lalo na't napapanahon ang pandemic na novel coronavirus sa buong Asya.

Payo ng StarStruck Season 7 First Princess, “Well, of course, we should start with ourselves.

“We should show up at work and prioritizing our health and our safety.

“Kasi paano nga naman makakapagtrabaho nang maayos if us ourselves, may sakit tayo or hindi natin alam 'yung safety guidelines at work? Paano tayo makakapagwork for our family if 'di tayo ligtas?

“Keep in mind that there are masks, alcohol, always wash your hands and avoid muna direct contact with people from time to time. Kasi dun ma-a-acquire 'yung disease e.

“Kami, we just wear masks and ina-avoid muna namin 'yung beso-beso or 'yung paghawak kamay,” pagtatapos ni Lexi.