Showbiz News

Aiai Delas Alas, mas masayang makatanggap ng award sa sariling bansa

By Aedrianne Acar

Labis ang saya ng Comedy Queen na si Aiai Delas Alas sa pagkilala na natanggap niya mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCAA) noong Miyerkules, February 26.

Isa si Aiai sa tumanggap ng tropeo sa 12th Ani ng Dangal Awards na dinaos mismo sa Malacañang Palace.

This video of Aiai Delas Alas is spreading good vibes online

Bukod kay Aiai, kinilala din ang Asia's Multimedia star na si Alden Richards at misis ni Dabarkad Ryan Agoncillo na si Judy Ann Santos.

Alden Richards bags trophy at the 12th Ani ng Dangal Awards

Sa kanyang Instagram post, buong-puso ang pasasalamat ng Kapuso actress sa mga bumubuo ng NCAA at binati din nito ang co-winners niya.

“Maraming salamat sa NCAA ( national commision for culture and the arts) ANI NG DANGAL AWARD para sa karangalan ito .congratulations din sa mga iba pang tumanggap ng award kagaya ni alden richards @aldenrichards02 ina raymundo @inaraymundo95 j, judyanne santos agoncillio @officialjuday at marami pang iba.

Hindi rin nito nakalimutan pasalamatan ang kanyang direktor sa pelikulang School Service na si Direk Louie Ignacio, na ginabayan siya habang ginagawa ito.

Matatandaan na nag-uwi na rin ng Best Actress Award si Aiai sa 39th Oporto (Fantasporto) International Film Festival (IFF) sa Portugal dahil sa mahusay niyang pagganap sa naturang pelikula.

“Salamat din direk loui ignacio @direklouieignacio sa pag gabay sa akin sa pelikulang SCHOOL SERVICE at sa BG productions sa pag gawa ng pelikulang ito .. napakasarap ng pakiramdam pag ang sarili mong bansa ang nag bibigay halaga sa iyong pinaghirapan sa larangan ng sining .. TO GOD BE THE GLORY”

Makikita naman sa comment section ng post ni Aiai na sobrang tuwa din ni Direk Louie sa bagong parangal na nakamit ng Comedy Concert Queen.

Kinongratulate din si Aiai ng former Sunday PinaSaya co-star niya na si Joey Paras. Sabi nito “Congratulations Ate Ai! Congratulations Arshey!”

Last November 2019, nakatanggap din ng special recognition si Aiai Delas Alas mula sa Philippine Daily Inquirer's 10th Indie Bravo Awards.

Aiai Delas Alas, Jaclyn Jose honored at 10th Indie Bravo Awards

Congratulations and more power, Kapuso Aiai!