Showbiz News

Lovi Poe, bakit walang restrictions sa kanyang acting roles?

By Aedrianne Acar

Mas gusto ng Kapuso actress na si Lovi Poe na wala siyang iniisip na masyadong restrictions sa mga proyekto na ibinibigay sa kanya.

Lovi Poe, Benjamin Alves, Aiai Delas Alas, and other cast members' first meeting for upcoming Kapuso show 'Owe My Love'

Sa panayam sa kanya sa Kapuso Showbiz News, matapos ang story conference ng bago niyang soap na Owe My Love, gusto raw ng aktres na pinu-push niya ang kanyang sarili “to the limit” para maibigay ang best niya at matuwa ang kanyang direktor.

Wika niya, “Ako kasi I always feel like, ako as a person, especially kapag malaki 'yung tiwala ko sa direktor ko, sa mga katrabaho ko parang as an actor I want to able to show reality as much as possible.

“'Pag when it comes to restrictions, especially kapag acting piece siya, I try to push myself to the limit and make my director happy and make sure that I give the best that I can."

Bida sa pelikula na 'Hindi Tayo Puwede' si Lovi kung saan makakasama niya ang mga Kapamilya hunks na sina Tony Labrusca at Marco Gumabao.

Ano naman ang naging experience ni Lovi Poe na makatrabaho ang dalawang leading men na ito mula sa kabilang network?