Showbiz News

Gabbi Garcia, Klea Pineda share skin care tips ahead of summer

By Dianara Alegre

Dahil summer is just around the corner, mahalagang alagaan ang skin mula sa nakapipinsalang ultraviolet (UV) rays ngayong tag-init.

Temperature is rising at kasabay nito ay ang harsh effects sa balat. Ang mga oily, lalong magiging oily at ang mga dry ang balat ay lalong nagiging dry.

Dahil dito, ilan sa mga Kapuso ladies ang nauna nang nagbigay ng skin care tips para mapanatiling radiant at safe ang iba't ibang uri ng kutis gaya ng morena, dry, oily, at combination type of skin.

Ayon kay morena beauty Gabbi Garcia, palagi raw siyang umiinom ng tubig at sinisiguro niyang protektado ang kanyang skin.

“People have this thinking na kapag morena, hindi na kailangan ng sunblock. Well, that's not true. You have to protect your skin. You have to apply sunblock always whenever you go out,” aniya.

Si Kapuso actress Thea Tolentino naman ay aminadong may dry skin kaya extra rin ang pag-aalaga niya sa kanyang balat.

“'Di ba 'yung ibang makeup remover, wipes. So 'pag tinanggal, napapagod 'yung skin, 'yung friction. So ako, 'yung ginagamit ko, cream-based makeup remover. Kamay mo talaga 'yung gagamitin mo,” sabi ng aktres.

Samantala, achievement unlocked naman para kay Klea Pineda nang matutunan niya ang sikreto kung paano ang tamang pag-aalaga sa oily type skin.

“Before ako maglagay ng make-up sa taping, [nagpapahid] ako ng ice sa face ko para mag-close 'yung pores. It works talaga sa akin. Parang mas nagsstay nang matagal 'yung makeup, hindi napupunta sa loob ng pores natin 'yung makeup,” lahad ng Magkaagaw star.

Si Kapuso babe Ashley Ortega naman ay may sariling skin care tip para sa mga kagaya niyang may normal to combination of oily and dry skin.

“Pinaka-go to ko lagi is aloe vera. I always use the natural one. I have a plant sa house e. Pinipitas ko lang tapos dumadami kasi sila. It's actually effective kasi it's organic,” sabi ni Ashley.

Watch the full 24 Oras report:

Joyce Pring dishes out skin care tips to beat the summer heat

WATCH: Kylie Padilla reveals secret for her glowing skin