Showbiz News

KMJS: Misteryo ng Maynila, tinuklas nina Yorme Isko Moreno at Ed Caluag

By Dianara Alegre

Nagbabagong-bihis ang Maynila sa ilalim ng pamamahala ni Manila Mayor Isko Moreno. Ang dating malumbay na kulay nito ay unti-unti nang naibabalik sa dati nitong tingkad at ganda.

Ngunit hindi lingid sa lahat ang malagim na kasaysayan ng lungsod ng Maynila na minsan ding naging sentro ng giyera sa pagitan ng mga Pilipino at dayuhan noong World War II.

Dahil sa hitik na kasaysayan nitong taglay, ilang mga war zone noon sa Maynila ang ngayon ay kabilang sa hilera ng mga dinarayong tourist spot, hindi lamang sa naturang lungsod, maging buong bansa.

Ngunit kaakibat ng kasaysayang nakaukit dito, nababalot din ang mga ito ng mga kuwento ng kababalaghan na akma sa nauuso ngayong “dark tourism.”

Upang mapatunayan ang mga haka-haka, nagsanib-puwersa sina Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at ang walang kinatatakutang paranormal investigator na si Ed Caluag.

Samahan sina Yorme Isko at Ed na tuklasin ang kababalaghan sa mga gusali ng Maynila gaya ng Fort Santiago sa Intramuros at Manila City Hall.

Panoorin ang nakapangingilabot na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

KMJS: Dahil sa paghihinagpis, lalaki lumuluha ng dugo?

KMJS: Pagpapaturok ng gluta, healthy o deadly?