Showbiz News

SB19 postpones major concert in Araneta

By Nherz Almo

Ipagpapaliban muna ng P-pop group na SB19 ang kanilang major concert na Give in to SB19 dahil sa banta ng COVID-19.

“Ipo-postpone po muna namin yung concert. For announcements po, i-check na lang po nila yung social media pages naming patungkol po dun sa date ng concert,” pahayag ni Sejun sa press conference ng concert na inihanda ng Dunkin Donuts kanina, March 12.

Dagdag paalala pa niya, “Sana po, stay safe po tayong lahat.

“Yung mga safety precautions po, gawin po natin para hindi po tayo mahawaan ng sakit.”

Bukod sa kanilang concert, ipinagpaliban na rin ng SB19 ang ilan pa nilang events alinsunod na rin sa mungkahi ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease.

Samantala, gumawa rin ang SB19 ng social media posts ng mga paalala sa kanilang fans para maiwasan ang pagkakasakit.

CONTINUED PREPARATION

Bagamat ipagpapaliban ang Give in to SB19 concert, patuloy pa rin daw ang paghahanda ng grupo para rito.

Ayon kay Justin, “We're preparing a lot po. Alam po ng lahat na every time na tumutungtong kami on stage, we make sure na we're always well prepared.

“Pero para po dito sa Araneta, we have new performances po, covers.

“Siyempre po, malamang ipe-perform naming ang mga unreleased songs namin para sa concert namin.”

Dagdag pa niya sa huli, “Actually po, until now, kahit may schedule kami, after po diretso kami sa studio para mag-practice.

“Kailangan naming mag-practice talaga for the big stage po.

“Pero every time na may performances o events, talagang binigay namin ang lahat, and nagpe-prepare kami until midnight kahit anong event we give our best po.”