Showbiz News

REWATCH: Intense catfights nina Bianca Umali at Kyline Alcantara sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Good news, mga Kapuso!

Dahil naka-taping break ang ilang GMA shows gaya ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday, may temporary replacement ito para patuloy ninyong ma-enjoy ang gabi-gabing pagsubaybay sa GMA Telebabad.

Due to public demand, ibinabalik ng GMA ang hit primetime series na Kambal, Karibal na pinagbidahan nina Bianca Umali, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza at Miguel Tanfelix.

Isa sa mga tumatak sa 2016-2017 series ay ang intense catfights nina Crisan (Bianca Umali), Crisel (Pauline Mendoza), at Cheska (Kyline Alcantara) na nagkapalit-palit ng kaluluwa sanhi ng inggit at galit.

Balikan ang ilan sa mga esksenang 'yan dito:

Mapapanood ang Kambal, Karibal simula ngayong Miyerkoles, March 18, 8:35 p.m., pagkatapos ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation), bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

Please embed kambal, karibal

Kung ma-miss n'yo man ang episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, maaaring balikan ang full episodes nito sa GMANetwork.com at GMA Network app.