TV

Pagdududa ni Geraldine kay Crisel sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos

Sa episode 124 ng Kambal, Karibal, nagsimula nang magduda si Geraldine (Carmina Villarroel) sa katauhan ni Crisel (Pauline Mendoza).

Ang alam ni Geraldine ay si Crisel ang nakasapi sa katawan ni Cheska (Kyline Alcantara) ngunit laking gulat ng ginang nang tumugtog si Crisel ng piano, na nagpaalala sa kanya sa piyesang itinuro ni Lola Anicia (Gloria Romero) kay Cheska.

Muling ipinapalabas ang Kambal, Karibal bilang pansamantalang kapalit ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017 series Lunes hanggang Biyernes, 8:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.