Showbiz News

Carla Abellana at Tom Rodriguez, excited na sa re-airing ng 'My Husband's Lover'

Mga Kapuso, handa niyo na bang mapanood muli si “beh” sa telebisyon?

Kung "oo" ang sagot niyo ay 'di kayo nag-iisa dahil pagkatapos ng pitong taon ay magbabalik telebisyon ang GMA Telebabad series na My Husband's Lover kung saan gumanap sina Carla Abellana, Tom Rodriguez, at Dennis Trillo bilang sina Lally, Vincent, at Eric.

Kaya naman 'di rin ma-contain ang excitement nina Carla at Tom sa kani-kaniyang Instagram accounts tungkol sa much-awaited comeback ng groundbreaking drama series.

Ani Carla, “After 7 years, #MyHusbandsLover is back on Philippine Television. This is it, guys. Here's our chance to refresh our memories. Catch Vincent, Eric, and Lally on GMA Primetime every night after #KambalKaribal”


Sambit naman ni Tom sa kanyang social media account, “Muli niyo na pong mapapanood ang matapang na kuwento ng tunay na pagmamahalan. Samahan kami gabi-gabi para muling tunghayan ang kuwento ni Lally, her husband, and her husband's lover…”

Sinundan pa niya ito ng hashtags, “#LoveWins,” “#MHL,” “#MyHusbandsLover,” at “#MHLRedux.”


Kabilang ang My Husband's Lover sa lineup ng GMA Telebabad habang pansamantalang naka suspendido ang production ng entertainment shows dahil nasa enhanced community quarantine ang buong Luzon.

Kung nami-miss niyo naman ang Love Of My Life, mapapanood ang aired episodes nito sa GMANetwork.com o sa GMA Network app.

See you, mga beh!

GMA-7 to re-air 'Encantadia,' 'My Husband's Lover,' and other award-winning shows