TV

The immeasurable love of Lally, Vincent, and Eric | 'My Husband's Lover' Recap

By Cara Emmeline Garcia

Sa pagwawakas ng My Husband's Lover, makikita natin ang pagbabago ng buhay nina Lally (Carla Abellana), Vincent (Tom Rodriguez), at Eric (Dennis Trillo).

Unang-una, tila naglaho ang mga suliranin ng pamilya nina Lally at Vincent simula nang umalis si Eric sa kanilang buhay.

Pero alam ng lahat na tinitibok pa rin ng puso ni Vincent ang dati niyang kasintahan.

Pagkatapos ng ilang taon, muling nagbalik si Eric sa Pilipinas upang magsimula ng bagong buhay.

Dahil dito, nabalitaan ng lahat ang pagbabalik nito, lalung-lalo na ang anak ni Vincent na si Diego.

Saad ng anak sa ama, tanging hiling lamang niya na maging masaya ito sa piling ng kanyang pinakamamahal sa buhay.

Muling napuno ng kakaibang saya ang puso ni Lally matapos silang magkita muli ni Samuel.

Ito na kaya ang lalaking magpapatibok ng puso niya?

Sa huli, pinatunayan ng tatlo na ang tunay na pagmamahal ay binabalot ng pasensya, pag-unawa, at higit sa lahat, pagtanggap.

Mapapanood ang full episodes ng My Husband's Lover sa official website ng GMA Network o sa GMA Network app.