Showbiz News

'Magkaagaw' actress Klea Pineda, nami-miss na ang magtrabaho

By Cara Emmeline Garcia

“Don't you miss working? I miss working.”

'Yan ang pahayag ni Magkaagaw actress Klea Pineda sa kanyang Instagram kahapon, March 25, sampung araw matapos i-anunsyo ni President Rodrigo Duterte ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Dagdag ni Klea, “Hindi ako sanay na nasa bahay lang at hindi nagtatrabaho.

“But, looking at the brighter side of this quarantine... we get to spend more time with our loved ones, nakakatuwa na sabay sabay kami kumakain sa hapag kainan. Matagal ko na rin sila hindi nakakasama nang ganun [katagal] dahil nasa trabaho ako.”

Pahayag pa ng young actress, mabutihing gamitin ang oras para makasama ang pamilya at mahal sa buhay.

“Gamitin natin itong pagkakataon na ito na makipagusap sa kanila, makipagbonding sa mga mahal natin sa buhay, okay? Okay. At naniniwala ako na malalagpasan natin 'tong pagsubok na nangyayarin ngayon. Stay home, stay safe!”

Isa si Klea sa mga nagpaalala sa kanyang fans tungkol sa COVID-19 o novel coronavirus na 'wag magsinungaling lalo na sa health workers.

Aniya sa isang Instagram video, “Mga Kapuso, sa panahon ngayon kailangan natin maging tapat. Kailangan nating magkaisa para labanan ang banta ng COVID-19.

“Hinihikayat ng Department of Health na sabihin ang lahat ng impormasyon sa ating mga health workers. 'Wag po natin ilihim ang mga aktibidad lalo na kung may kaugnayan ito sa pagbiyahe at exposure natin sa mga may kaso ng COVID-19.

“Importante po ito para makasiguro po tayo na tama ang alaga na maibigay sa inyo at siyempre para hindi na rin kumalat ang sakit.”

Mga Kapuso, kung nami-miss niyo na si Klea sa Magkaagaw, mapapanood niyo pa rin ang aired episodes nito sa GMANetwork.com o sa GMA Network app.

LOOK: Here's how to stay healthy during enhanced community quarantine according to celebrities

Local fabricators develop aerosol boxes to help medical frontliners