Showbiz News

'Onanay' at 'Alyas Robin Hood,'mapapanood na sa GMA Afternoon Prime simula March 30

By Marah Ruiz

Simula March 30, madaragdagan na ang mga dekalidad na palabas na mapapanood sa nangungunang GMA Afternoon Prime.

Bukod kasi sa top-rating series na Ika-6 Na Utos, magbabalik sa telebisyon ang mga GMA Telebabad hits na Onanay at Alyas Robin Hood.

Mapapanood pa rin ang Ika-6 na Na Utos, 2:30 pm, Lunes hanggang Sabado.

Susundan ito ng Onanay, 3:20 pm, Lunes hanggang Biyernes.

Ang unang season naman ng Alyas Robin Hood ang mapapanood tuwing 4:10 pm, Lunes hanggang Biyernes.


Laging tumutok sa GMA para sa inyong mga paboritong serye pati na sa patuloy na mga ulat tungkol sa COVID-19.