Showbiz News

GMA Kapuso Foundation, muling nagpaabot ng gloves, face shields, at tubig sa ilang pampublikong ospital

By Marah Ruiz

Salamat sa donors na walang sawa sa pagbabahagi ng kanilang mga biyaya, muling nakapag-abot ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa ilan pang pampublikong ospital.

Katuwang ang Joint Task Force-NCR, nakapaghatid ang grupo ng gloves at face shields sa National Children's Hospital, Caloocan City Medical Center, at Philippine Children's Medical Hospital.

Tubig naman ang naibahagi sa Quirino Memorial Medical Center, Quezon City General Hospital, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines, San Lazaro Hospital, Philippine Heart Center, at Research Institute for Tropical Medicine katuwang ang 2nd Infantry Division ng Philippine Army.

May 81,000 pares ng gloves at 700 face shields ang naipamahagi ng GMA Kapuso Foundation salamat sa cash donations ng Wilcon Depot, Inc., Wilfredo B. Revillame and WBR Entertainment Productions Corp., L.P.T. Marketing Company Inc., at Ateneo Management Engineering Batch 1993.

Lubos din ang pasasalamat ng GMA Kapuso Foundation sa material donations mula sa Lucio Tan Group Inc., Doña Maria Rice, Tolak Angin PH, Le Minerale, RHEA Generics, CDO Foodsphere, Heart Evengelista, at Symply G Marketing.

Patuloy itong lumilikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.