Showbiz News

EXCLUSIVE: Sanya Lopez, naiyak habang nagda-dub ng 'Jesus: His Life'

By Cara Emmeline Garcia

Hindi napigilan ni Kapuso actress Sanya Lopez na maluha habang nagda-dubbing session para sa Lenten special ng GMA Network na Jesus: His Life.

Gumaganap kasi si Sanya bilang si Mary Magdalene, isang disipulo ni Hesus na naka-saksi ng pagkamatay at muling pagkabuhay nito.

Aniya sa isang exclusive interview sa GMANetwork.com, lagi raw siyang nadadala sa kanyang mga emosyon tuwing umaarte ng malulungkot na eksena.

“Everytime na may ginagawa akong iyakan na eksena, nadadala ako sa kanila kaya naiiyak din ako. Which is nung tinanong ko, 'Okay lang po ba na naiiyak ako kasi 'di ko po mapigilan.'

“Sinasabi naman nila sa akin, na it's normal and mas maganda 'yung kinakalabasan actually nung dub mo dun sa eksena.”

Kuwento rin ni Sanya, isang malaking parangal para sa kanya ang makasama sa Lenten Special ng network dahil ito ang panata niya ngayong taon para sa Panginoon.

“I'm very excited kasi parang nagiging panata na namin siya ni Kuya [tuwing may Lenten Special].

“Kaya naman napakasaya ko na isa ako sa napili nila bilang maging boses at magbigay buhay kay Mary Magdalene.”

Hindi ito ang unang beses mag-dub ni Sanya para sa GMA network. Maaalalang ipinahiram ni Sanya ang kanyang boses para sa karakter na si Gillian Seo ng Korean drama series na My Golden Life.

Kaya naman 'di nahirapan si Sanya na ikumpara ang kanyang voice acting skills sa dalawang serye.

Saad ng aktres, “I think, 'yung pagkakaiba nila ---- 'pag Korean medyo may mix sila ng comedy. So hindi ka masyadong nahihirapan 'pag comedy.

“Unlike 'pag itong medyo religious ang pinag-uusapan kailangan mong maging serious and, at the same time, kailangan mas more dramatic.

“Kaya ang taas ng respeto ko sa mga dubbers talaga.

“Kasi, kailangan mo siyang sabayan pero umaarte pa rin. Minsan kailangan mo munang pag-aralan 'yung reaction niya at lahat. Kailangan mong mag-sync 'yung boses mo mismo dun sa character. 'Di lang basta-basta magsasalita ka lang, kailangan may nararamdaman ka rin kahit hindi ka nakikita.”

Tunghayan si Sanya sa Jesus: His Life bilang Mary Magdalene ngayong darating na Black Saturday, 3 pm.

8-part drama 'Jesus: His Life,' hatid ng GMA-7 ngayong Holy Week

Sanya Lopez shares her skincare routine in latest vlog