Showbiz News

Betong Sumaya at Lovely Abella, miss na ang mga katrabaho sa 'Bubble Gang'

By Aedrianne Acar

Monday ang taping ng award-winning Kapuso gag show na Bubble Gang, kaya naman marami sa mga mainstay nito ang naninibago na hindi sila nagkikita-kita dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon na tatagal hanggang April 14.

At para matanggal ang lumbay nila naka-isip ang ilan sa Bubble Gang stars na mag-video conference gamit ang app na Zoom.

Ipinasilip ni Betong ang naging video conference niya kasama ang mga co-stars sa pangunguna ng multi-awarded comedian/ content creator Michael V.

"Miss you BG Family, tnx Zoom at nagkita kita kahit konti lang kami Amazing TyPoLORD #Blessing #BubbleGang"


Sa Instagram Story naman ni Lovely Abella, ipinahayag nito na sobra na niyang nami-miss ang mga kasamahan sa longest-running gag show.


More on VIRAL VIDEOS FROM BUBBLE GANG:

'Shoplifter' sketch nina Faye Lorenzo at Archie Alemania, may 11 million views na sa YT!

Bagong kasambahay, pinabayaan ang imaginary son ng kanyang amo

Masahe ng mga Kababol, umani na ng 1M views sa YouTube!