Showbiz News

PBA cager Jio Jalalon, tumulong sa street dwellers na apektado ng quarantine

By Aedrianne Acar

Hindi nagdalawang isip na tumulong ang Magnolia Hotshots guard na si Jio Jalalon sa mga taong lubos na naapektuhan ng enhanced community quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

LOOK: The hot daddy of Baby Thanos, PBA cager Ryan Araña

Sa Instagram post ng PBA cager, namigay ito ng food packs at grocery items sa street dwellers at ilang frontliners.

Bukod kay Jio, nagbigay tulong din ang Rain or Shine (ROS) Elasto Painters veteran guard na si Ryan Araña na sa halip na mag-diwang ng kanyang 36th birthday ay namigay din ito ng food packs sa mga frontliner.