Showbiz News

Doug Kramer, ibinahagi ang kanilang inihandang donasyon para sa frontliners

By Maine Aquino

Ibinalita ni Doug Kramer ang kanilang ginawang paghahanda para mabigyan ang mga frontliners na nangangailangan ng mga kagamitan ngayong COVID-19 pandemic.

Ayon sa kanyang post, kasama niya ang kanyang asawa na si Chesca Kramer para gumawa ng homemade protective masks.

Kasama rin nila sa pagbuo ng kanilang protective masks sina Brandy Kramer, Katrina Henry, JG Henry at Arvin Tolentino.

Kuwento ni Doug, magpapadala rin sila ng alcohol at gloves.


"Sending more homemade protective masks, alcohol and gloves this week! Completed 100 masks today, and 200 more to go before we ship them out! Good job, guys!"

Bukod sa mga items na ito, nauna na ring nagpadala ang Team Kramer ng mga pagkain sa frontliners.

Doug Kramer proudly shares Scarlett's heartfelt message to frontliners

Celebrity couples na tumulong sa COVID-19 crisis