Showbiz News

Sylvia Sanchez thanks frontliners in emotional video

By Cara Emmeline Garcia

Malaki ang pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa frontliners na nag-attend sa kanya at sa kanyang asawa na si Art Atayde matapos maging positibo sa coronavirus noong March 24, 2020.

Kaya sa isang video na ipinakalat ni Arnold Vegafria, founder ng ALV Talent Circuit, halos maiyak sa tuwa ang aktres sa pasasalamat sa frontliners hindi lamang sa ospital kung saan siya naroon kundi sa buong mundo.

Saad niya, “Sa mga pag-aalaga at pagmamahal ninyo sa aming mga COVID-19 positive, na gusto niyong isalba ang buhay namin, na ginagawa ninyo ang lahat mabuhay lang kaming lahat ng mga pasyente niyo.

“At alam ko, nararamdaman ko at nakikita ko sa tuwing lumalapit kayo sa akin at pumapasok kayo dito kahit papaano ay may takot kayo sa puso ninyo.

“Pero ginagampanan ninyo ng buong buo 'yung trabaho ninyo ng nakangiti at wala kayong ginawa kundi sabihan ako araw-araw na, 'Laban lang.' Kahanga-hanga kayo.”

Dagdag pa ni Sylvia, tunay na kahanga-hanga ang frontliners lalo na sa mga panahon tulad ngayon kung saan pataas ng pataas ang mga COVID-19 patients sa bansa.

“Sinasakripisyo niyo ang buhay niyo para sa aming mga pasyente niyo. Kayo 'yung dapat hangaan naming lahat.

“Maraming, maraming, maraming, maraming salamat sa inyo lahat ng frontliners. Kita-kita po tayo sa finish line. Thank you so much.”

Noong April 1, naiulat ni Arjo Atayde, anak nina Sylvia at Art, na nasa mabuting kalagayan na ang kanyang mga magulang.

Aniya sa isang Instagram post, “A week into their self-isolation and a week after having their swab tests done, our parents are slowly getting better.

“Although it's taking longer than their usual recovery time, we are happy to see them with their spirits still high.

“Thank you so much for your thoughts and prayers. We ask that you continue to pray for our parents, our household that nobody else contracted it, every other individual and family dealing with this same ordeal and of course, all our frontliners who continue to risk their lives every day for our safety."

Payo pa ni Arjo, “Please all stay safe, healthy, take your vitamins, and stay at home if you have the option.”

Arjo Atayde, nagbigay ng update sa lagay ng mga magulang matapos magpositibo sila sa COVID-19

Ken Chan, naka-self quarantine matapos makasalamuha si Sylvia Sanchez