Showbiz News

#Throwback: 10 Surprising celebrity revelations sa Tunay na Buhay

By Racquel Quieta

Bahagi ng programang 'Tunay na Buhay' ang segment na 'Prangkahan with Pia', kung saan derechahang tinatanong ng host na si Pia Arcangel ang celebrity guests ng mga maiinit na tanong.

Prangkahan with Pia segment ng Tunay na Buhay

At dahil dito, mas lalong nakikilala ng mga manonood ang mga celebrities na kanilang hinahangaan.

Kaya naman ating balikan ang ilan sa mga pinaka-surprising at memorable na mga celebrity revelations sa segment na 'Prangkahan with Pia' sa 'Tunay na Buhay'.

1. Derek Ramsay - “Yes, most definitely.”


'Yan ang walang pag-aalinlangang tugon ni Kapuso actor Derek Ramsay nang tanungin siya kung si Andrea Torres na ba ang kanyang 'The One'. Balikan ang kilig moment na 'yan sa 2:26 mark ng video ng nasabing episode.


2. Alice Dixson - “We still want to have a baby.”


Inamin ng aktres kay Pia Arcangel na nais pa rin niyang magkaroon ng anak. Ani ng timeless beauty na si Alice Dixson, aktibo pa rin daw silang sumusubok ng kaniyang asawa na magkaroon ng baby. Panoorin muli ang pag-amin ni Alice sa 'Prangkahan with Pia' sa 1:39 mark sa video na ito.


3. Smokey Manaloto - “Si Mickey Ferriols, naging kami.”


Ito ang pasabog na revelation ng actor-talent manager na si Smokey Manaloto kay Pia Arcangel. Dagdag pa ni Smokey, “Ayan. Sa mga lalaki diyan, never underestimate the power of sense of humor.” Alamin ang iba pang binulgar ni Smokey tungkol sa kanyang lovelife sa 1:20 mark ng video na ito.


4. Arra San Agustin - “Yes, ang galing umarte ni Rita eh. “

'Yan ang honest na sagot ni Arra San Agustin nang tanungin kung na-threaten ba siya kay Rita Daniela noong ginagawa nila ang 'My Special Tatay'. Plus, wala rin pag-aalinlangang sinabi ni Arra na ready na siya for more mature roles. Panoorin muli ang 'Prangkahan with Pia' ni Arra sa video na ito.


5. Sen. Manny Pacquiao - “Tumakbo ulit.”


Ito ang naging tugon ng Pambansang Kamao at ngayo'y senador na si Manny Pacquiao nang tanungin siya ni Pia kung ano ang plano niya sa 2022. Tinanong din siya kung mayroon ba siyang celebrity crush. Alamin ang kanyang sagot sa video ng nasabing episode.


6. Edgar Allan Guzman - “Pagkatapos ko manalo ng Mister Pogi. Siguro, after a year. 'Yon. Meron.”

Ito ang sagot ni Edgar Allan Guzman nang tanungin kung nakatanggap na ba siya ng indecent proposal. Aniya ni EA, dineadma na lang daw niya ang pangyayaring iyon. Panoorin ang kanyang buong 'Prangkahan with Pia' Q&A sa 3:07 mark ng video na ito.


7. Chynna Ortaleza - “Wala ako dito noong nag-pass (away) yung daddy ko.”

Inamin ni Chynna Ortakleza na ang biggest regret niya in life ay ang wala siya sa tabi ng kanyang ama nang yumao ito. Sinagot din si Chynna ang tanong na 'Selosa ba siyang asawa kay Kean Cipriano?'. Alamin ang kanyang nakakatawang sagot dito.


8. Ruru Madrid - “Ang hirap kasi ang tingin sa akin ng mga tao ganun ako. Ang totoo, hindi talaga.”

Ikinuwento ni Kapuso actor Ruru Madrid na madalas daw siyang pagkamalang chickboy. At, mariin naman niya itong itinanggi kay Pia Arcangel sa 'Prangkahan with Pia'.


9. Clint Bondad - “I'll ask how much.”


Ito ang pabirong sagot ng Filipino-German hunk na si Clint Bondad nang tanungin kung ano ang gagawin niya kung may mag-offer sa kanya ng indecent proposal. Pero, hindi na nagawang magbiro ng model-actor nang tanungin siya kung paano kung may ex-grilfriend siya na gustong makipagbalikan sa kanya. Balikan ang nakakatuwang prangkahan na ito sa 1:24 mark ng video.


10. Rhea Santos - “Si Tom Hiddleston, si Loki. Eh kasi crush ko siya.”

Bago lumipad papuntang Canada and Kapuso news anchor at unang host ng 'Tunay Na Buhay' na si Rhea Santos, nakipagprangkahan muna siya kay Pia Arcangel at inaming crush niya si Tom Hiddleston, ang Hollywood actor na gumanap bilang Loki sa Marvel movie series na 'Thor'. Balikan ang kanilang nakakaaliw na prangkahan sa video na ito.




Nagulat at naaliw ka ba sa ultimate throwback ng ten surprising celebrity revelations sa 'Prangkahan with Pia' segment ng 'Tunay Na Buhay'?

Kung bitin ka pa, panoorin ang iba pang episodes ng Tunay Na Buhay sa kanilang official Facebook page.




RELATED:

MUST-READ: Ang tunay na buhay ni Super Tekla

WATCH: Ano ang dahilan ng pagkawala ng SexBomb Dancers sa 'Eat Bulaga'?

WATCH: Mystica opens up about her financial difficulties