Showbiz News

SB19 sings new single 'ikako' live on Unang Hirit!

By Dianara Alegre

Naglabas ang Pinoy pop group na SB19 ng bagong single na may titulong “ikako” na handog ng grupo para sa lahat ng frontliners.

Nitong Lunes, May 4, live na nagtanghal ang grupo na binubuo nina Ken, Josh, Stell, Justin at Sejun sa Unang Hirit.

Dito ay ipinahayag nila ang lubos na pasasalamat sa kagitingan at dedikasyon ng mga frontliner para mapuksa ang 2019 coronavirus disease (COVID-19).

“Sa lahat po ng frontliners thank you so much for your braveness.

"Thank you dahil ni-risk n'yo 'yung lives n'yo para sa ibang tao and kahit pa minsan n'yo lang makikita 'yung family n'yo, nand'yan pa rin kayo para sa health ng ibang tao.

"I pray na God will protect all of you,” sabi ni Ken.

WATCH: Bagong single ng SB19 na "Alab," umabot na sa mahigit 800k views!

Binigyang-pugay din ni Josh ang katapangan ng mga ito.

“Thank you sa lahat ng frontliners.

"Ang dami nilang sina-sacrifice, 'yung buhay nila naka-risk araw-araw.

"Mayroon po ako na mga kilala na hangga't maaari po, tina-try kong tumulong din,” aniya.

Ibinahagi rin ni Stell na isang frontliner ang kanyang tito at proud siya sa mga naitutulong nito sa ibang tao.

Aniya, “Gusto kong magpasalamat sa kanilang lahat and gagawin ko na itong way para pasalamat din 'yung tito ko… kasi frontliner siya sa Bulacan.

“Ang dami po nilang ginagawa para sa mga ka-barangay nila. Sobrang proud po ako sa tito ko. Lagi po siyang mag-iingat.

“Lahat po ng frontliners sa mundo, mag-ingat po kayo. Maraming-maraming salamat po sa inyo.”

SB19 ranks as mainstay in Billboard's Social 50 chart

Hindi lang ang frontliners ang pinasalamatan ni Justin. Ibinahagi rin ng singer na nais niyang matulungan ang mga taong dumaranas ng anxiety o depresyon ngayon.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng frontliners. Sana nakakapagbigay kami ng inspirasyon sa inyo.

“Hindi lang sa lahat ng frontliners kundi du'n na rin sa mga taong nags-stay sa bahay kasi alam naman natin na naaapektuhan din sila mentally. Sana nakakapagbigay kami ng inspirasyon sa inyo. Maraming maraming salamat po,” lahad ni Justin.

Samantala, ikinuwento naman ng lider ng grupo na si Sejun kung paano nabuo ang titulo ng kantang “ikako.” Siya rin ang simulat ng naturang awitin.

“This song is titled 'ikako.' Kaya siya 'ikako' firstly, pinagsama ko 'yung ikaw at ako at the same time, 'yung sinasabi ng mga matatanda [na] ikako.

“Ang message ng song na ito is 'yung pagmamahal natin sa kapwa.

"Ibig naming ipahiwatig na 'pag may pagmamahal tayo sa kapwa natin, mareresolba natin lahat ng problema natin,” aniya.

Panoorin ang live performance ng SB19 sa Unang Hirit:

Ano ang first impression ng SB19 kay Maine Mendoza nang magkatrabaho sila sa 'Daddy's Gurl?'

Tags:
sb19, ikako, ken, josh, stell