
Isa si Kapuso hunk Derek Ramsay sa mga nag-abot ng ayuda sa mga naka-quarantine na OFW sa World Trade Center, nitong Lunes, May 4.
Dahil sa banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo, ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pinabalik muna ng bansa upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
Bilang pagsunod sa panuntunan na 14-day quarantine, ilan sa mga pampublikong gusali ang ginawang quarantine facilities para sa mga nagsiuwiang manggagawang Pinoy kabilang na ang World Trade Center sa Pasay City.
Upang makatulong na maibsan ang kanilang pangamba at pangungulila sa kanilang mga pamilya, nagtungo si Kapuso actor Derek Ramsay sa naturang lugar para mag-abot ng pagkain sa mga ito katuwang ang Dunkin Donut Philippines, na isa sa mga ineendorso niyang pagkain.
Pinasalamatan din ang aktor ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nangangalaga sa kaayusan at kaligtasan ng mga OFW.
“Thank you Dunkin Ph for making our OFW's quarantined at the the World Trade Center happy.
"It's very kind of the world trade center to open its facilities for our fellow kababayans. Thank you too sa AFP for taking good care of them,” aniya.
Derek Ramsay reflects on enhanced community quarantine: "It's really tough"
Nauna rito, ilang beses na ring nagpakita ng suporta si Derek sa mga frontliner simula pa noong ipatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon.
Nitong Sabado, May 2, nag-negatibo sa COVID-19 si Derek matapos nitong sumailalim sa test.