Showbiz News

Ronnie Liang, nagbahagi ng kanyang responsibilidad bilang Army reservist

By Dianara Alegre

Bilang Philippine Army reservist ay mabigat ang responsibilidad ni Ronnie Liang na isa ring piloto ngayong may enhanced community quarantine (ECQ) bunsod ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Sa eksklusibong panayam ng Unang Hirit kay Ronnie, ibinahagi niya ang araw-araw niyang routine bilang isang frontliner.

“Unang-una magkahalong feeling na masaya, feeling of fulfillment na paglilingkod sa bayan. Nakakaramdam din ng takot kasi we are exposed sa duty namin.

“Ako naghahatid ako ng health workers natin, nagtse-checkpoint duty, nagdi-distribute ng relief goods, nagpa-participate sa kitchen ng AFP,” aniya.

Ronnie Liang, isang frontliner sa Metro Manila enhanced community quarantine

Kahit mataas ang tiyansang malagay sa panganib, mas matimbang pa rin umano kay Ronnie ang makatulong sa mga kababayan, lalo na ngayong may banta ng COVID-19 sa bansa.

“Mataas 'yung risk, [pero] siyempre mas nangingibabaw 'yung paglilingkod, 'yung passion mo na mapasaya at maglingkod sa ating bayan,” aniya.

Samantala, mula ng ipatupad ang ECQ sa Luzon ay aktibo si Ronnie sa pagbabantay at paghahatid ng tulong sa mga kagaya niyang frontliner.

Call of duty ang tawag ni Ronnie sa ginagawa niyang pagkakawanggawa.Nitong April 25 ay ibinalita ng singer na negatibo siya sa virus makaraang sumailalim sa COVID-19 test.

What made singer-pilot Ronnie Liang join the Philippine Army?

Si Ronnie ay kasalukuyang second lieutenant sa Philippine Army. Isa na rin siyang ganap na piloto nang maging opisyal na kasapi ng APG International Aviation Academy Inc., noong November 2019.

Panoorin ang buong Unang Hirit report: