Showbiz News

WATCH: Julie Anne San Jose's cover of 'Bagsakan'

By Cherry Sun

Ipinamalas ni Julie Anne San Jose ang kanyang rap skills sa kanyang cover ng “Bagsakan” na pinasikat nina Chito Miranda, Gloc 9, at ng yumaong Pinoy King of Rap na si Francis Magalona.

Ani Julie, ang “Bagsakan” ang isa sa paborito niyang rap songs kaya naisipan niyang gawan ito ng kanyang version.


Ang full cover ng “Bagsakan” ni Julie ay mapapanood sa kanyang YouTube channel.


Muli namang napahanga ng Kapuso artist si Chito.

Komento ng Parokay ni Edgar frontman, “Iba ka talaga!!!”

Maaalalang noong February 2019 ay napabilib na rin ni Julie si Chito dahil sa kanyang live performance ng “Bagsakan” sa Studio 7 'Musikalye' at sa cover niya ng Parokya ni Edgar hit na "Your Song."

Julie Anne San Jose sings latest single "Better" while playing the piano

Julie Anne San Jose's 'Nobela' cover reaches five million streams on Spotify

GMA gives tribute to frontliners with Julie Anne San Jose's “Pagbangon”