'Survivors: A Tunay na Buhay Special Online Series', mapapanood na simula May 12
Mapapanood na ngayong ay May 12, Martes, alas-singko ng hapon sa GMA Public Affairs Facebook page ang espesyal na handog ng programang Tunay na Buhay na pinamagatang 'Survivors: A Tunay na Buhay Special Online Series'.
Survivors: A Tunay na Buhay Special Online Series / Source: @tunaynabuhay (FB)
Sa panahon na puno ng takot, kawalan ng katiyakan, at pag-aagam-agam, hatid ng Tunay na Buhay ang online series na magbibigay ng pag-asa at pananampalataya na muling makakabangon ang ating bansa mula sa pandemya.
Tampok sa 'Survivors' ang mga kuwento ng COVID-19 survivors na tiyak kapupulutan ng aral at inspirasyon.
Kaya panoorin ang kauna-unahang episode ng 'Survivors' mamayang alas-singko ng hapon sa GMA Public Affairs Facebook page.
For more stories and updates on the Coronavirus Disease pandemic and the enhanced community quarantine, visit GMA's COVID-19 page and ECQ page.
How do COVID-19 survivors' blood plasma donations help save other infected patients?
COVID-19: Pag-asa mula sa survivors, para sa COVID-19 patients
#Throwback: 10 Surprising celebrity revelations sa Tunay na Buhay