Showbiz News

Rocco Nacino at Melissa Gohing, katuwang ng PH Navy sa feeding activity

By Dianara Alegre

Dinaluhan ni Descendants of the Sun The Philippine Adaptation star Rocco Nacino at girlfriend nitong si Melissa Gohing ang isinagawang feeding activity ng Philippine Navy para sa mga naka-quarantine na marine frontliners nitong Martes, May 13.

Ibinahagi ito ng aktor sa kanyang Instagram account kasama ang ilang mga larawang kuha mula sa nasabing aktibidad.

“Supported yesterday's feeding activity for our quarantined marine soldiers spearheaded by Brigadier General Cherisse Manzano of the Marines.

“Pinuntahan namin ni Melissa Gohing at ng team S.T.A.R.S ng Philippine Navy ang mga frontliners natin upang mapasalamatan sila nang personal sa tulong na ginagawa nila para satin,” aniya.

Binanggit din ni Rocco ang mga naging sakripisyo ng mga sundalo para sa kaligtasan ng publiko at pinasalamatan ang ito sa kanilang katatagan.

“Isipin mo, pagkatapos mo magserbisyo, kailangan mo pa rin magpaquarantine. Imagine 'yung tagal na 'di mo makakasama ang pamilya nyo.

“Strict contact policy kahapon, kaya kwentuhan from afar nalang ang naganap with our frontliners.

“Muli, salamat sa inyo, sa officers natin, at sa kapwa natin reservists at volunteers na nagtutulong tulong para makabangon tayo agad. Snappy salute!” aniya.


Ang reservist na si Rocco ay isa sa mga celebrity na patuloy na tumutulong sa frontliners at mga nangangailangan na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Rocco Nacino spends 33rd birthday "boosting the morale" of COVID-19 frontliners

Ayon sa aktor, na isang registered nurse, ang simpleng pagpapahayag ng suporta sa mga frontliner ay malaking bagay na para palakasin ang kanilang loob.

"And daming nagpapagawa ng thank you messages or message of support for the frontliners. Hindi na 'ko nagdadalawang isip, okay na agad, sige, sino papasalamatan natin?

"Let's do this video to really boost their morale, to keep them going. Kasi hindi lang physical tiredness, it's mental game na, kumbaga. So after doing this for one month talaga, it will take its toll on you.

"Sa mga tao nga na nasa bahay lang sila for one month, nag-i-scroll lang sa social media, nababaliw na sila. What more sa mga frontliners na araw-araw nagtatrabaho," pahayag ni Rocco sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

EXCLUSIVE: Rocco Nacino underscores proper practice of anti-COVID-19 guidelines