Showbiz News

Ms Everything, nakakuha ng pinansyal na ayuda mula sa fans

By Cara Emmeline Garcia

Malaki ang pasasalamat ni Ericka Camata, a.k.a. Ms Everything, sa kanyang fans dahil personal na nagbigay ng ayuda ang mga ito matapos masalanta ang kanilang tahanan sa Calbayog, Samar.

Nagsimula ito sa Twitter nang i-post ni Ericka ang estado ng kanilang bahay pagkatapos itong masalanta ng Bagyong Ambo noong May 15, 2020.

Kitang-kita na halos giba na ang bubong ng kanilang bahay pero nilinaw ni Ericka na siya'y ligtas mula sa kapahamakan.

Aniya, “Our home. We are safe. No worrying everyone.”

Sa ngayon, halos umabot na sa 85.6k likes at 5.5 retweets ang post sa social media site.

Dahil dito, natanong ni Angel Locsin ang social media influencer kung saan ang lokasyon ng kanilang bahay dahil gusto nitong magpaabot ng tulong kay Ericka.

Tanong ni Angel, “Saang lugar po ito? Anong barangay po kaya?”

Hanggang sa ngayon, wala pa rin update kung paano tutulungan ni Angel si Ericka pati na ang iba pang nasalanta ng bagyo sa lugar.

Bukod kay Angel, marami na rin sa fans ni Ms Everything ang nagtulong tulong para bigyan ng pinansyal na ayuda ang influencer.

Iminungkahi ng ilan na maari nilang tulungan si Ericka sa pamamaraan ng panonood ng kanyang vlogs sa YouTube o pagdonate sa kanyang official GCash account.

Ani ng isang netizen, “You can follow and subscribe to Ms Everything Vlogs YouTube channel, subscribe, like, and don't skip her ads. If you want to donate, there is a GCash option. You may verify with Ms Everything (Ericka Maribojoc Camata) or her sister Maria Devie Camata on Facebook messenger.

May isa naman na nagpakita ng kanyang donasyon na naghahalagang PhP 10 dahil ito lamang ang kanyang makakayang ibigay.

Sambit ng netizen, “Hi @msEverything36, sorry ito lang po ang kaya ko. I know this is too small but at least I helped in my own little way. Thank you for making us laugh. Laban lang.”

Pinasalamatan naman ito ni Ericka at sinundan pa ng heart at emoji kisses.


Sa kanyang latest vlog na may pamagat na “Ms Everything Back to Nothing,” ipinasilip ni Ms Everything ang pinsala na natamo ng kanilang tahanan sa Calbayog, Samar.

Aniya, “Look at my house because it's very, very ruined. Because of this the Bagyong Ambo, so we are processing all of this. Just look at my clothes it's very, very awareness.

“My house today is ruined and it's very sad. I'll do my best to make my house rebound because my house is ruining.”

Sino si Ericka Camata, a.k.a. Ms. Everything?

Ms. Everything, nag-Q&A sa 'Kapuso Mo, Jessica Soho'