Showbiz News

Lolit Solis, maraming ipinagpapasalamat sa pagdiriwang ng 73rd birthday

By Marah Ruiz

Ipinagdiriwang ngayon, May 20, ni veteran showbiz writer and manager na si Lolit Solis ang kanyang kaarawan.

Edad 73 na ni Nanay Lolit at ayon sa kanya, marami siyang dapat ipagpasalamat.

Bukod daw kasi sa dami ng mga kaibigang bumati sa kanya, ipinagpapasalamat daw niya ang kanyang kalusugan.

"So happy reading all the birthday messages from friends who remembered. So thankful reaching the age of 73 and still up and feeling right. So many things to be thankful to God, so many things to be grateful for in life," sulat niya sa caption ng isang simpleng picture na kuha mula sa kanyang tahanan.

Masaya din daw siya dahil may lakas pa siya para ma-experience ang iba't ibang bagay sa mundo.

"Just to be given the chance to see all this things happening around you , is already a blessing. I Love You, God , thank you," aniya.


Bukod kay Lolit, ipinadiriwang din ngayon ni Hayden Kho ang kanyang kaarawan.

Kabilang sila sa maraming mga celebrities na tahimik na nagdiwang ng kanilang mga kaarawan habang nasa ilalim pa ng enhanced community quarantine ang ilang bahagi ng bansa.