Showbiz News

'Art Angel' fans gush over a young Atom Araullo in rerun episode

By Cara Emmeline Garcia

Isang young Atom Araullo ang bumungad sa mga telebisyon ng ilang Kapuso nating manonood ng educational entertainment show na Art Angel kahapon, May 20.

Sa nasabing episode, nakasama nina Tonipet Gaba at Pia Arcangel ang GMA News Anchor para gumawa ng doctor's bag na gawa sa styropor pack at straw.

Pero sa Twitter, mas napag-usapan ng netizens ang good looks ni Atom Araullo kaysa mag-concentrate sa art project na ginagawa nila ni Pia.

https://twitter.com/chaaarrriiisss/status/1262904078541127680


Habang ang ilan, hindi makapaniwalang nag-guest si Atom noon sa nasabing rerun episode.

Saad ng isang netizen, “Art Angel is back! Eto 'yung isa sa mga bumuo ng childhood ko. Hahaha! Hi Mr. @atomaraullo! Natuwa ako kasi kasali pala siya doon. Hahaha! Hi Dr. Atom!”


Napanood niyo ba ang episode na ito? Kung hindi, balikan sa video na makikita sa ibaba:


Mapapanood ang Art Angel tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, 8:25 am pagkatapos ng Jackie Chan Adventures sa GMA-7.

Bond with your kids every morning with 'Art Angel'

'Art Angel' sends adults in a nostalgic state as it airs rerun episodes