TV

Tatlong lalaki, naglaban-laban para sa atensyon ni Faye Lorenzo sa 'E-Date Mo Si Idol'

By Felix Ilaya

Sa 'E-Date Mo Si Idol,' nakasama ng sexy Kapuso star na si Faye Lorenzo ang tatlo sa kaniyang fans at naglaro sila ng isang online dating game.

Nag-enjoy si Faye sa mga sagot ng kaniyang fans sa mga nakakalokang tanong gaya ng "Kung hotdog ka, anong klase at bakit?" at "Kung iki-kiss kita, saang body part mo gusto?"

Dikit ang laban ng mga searchees kaya naman nahirapan si Faye pumili sa kanila.

Sino kaya sa tatlong fans ni Faye ang mabibigyan ng chance na maka-date ang kaniyang idol? Alamin sa stream ng 'E-Date Mo Si Idol' below:

Mapapanood ang 'E-Date Mo Si Idol' every Thursday night sa GMA Network Facebook page at GMA Artist Center YouTube channel.