TV

Pagiging shoplifter ni Faye Lorenzo sa 'Bubble Gang,' may mahigit 2.8 million views na!

By Aedrianne Acar

Umani na ng million views sa YouTube ang Bubble Gang sketch kung saan tampok ang GMA Artist Center beauty na si Faye Lorenzo.

Kinaaliwan ng mga netizen ang modus ng karakter ni Faye na isang shoplifter na nahuli ng isang security guard na ginagampanan ni Archie Alemania.

May mahigit sa 2.8 million views na ang 'Shoplifter' sketch na ito sa nasabing video sharing site.

Alamin kung bakit pinapanood online ang 'Shop Lifter' sketch ng Kapuso gag show na ipinalabas last February 7, 2020.

IN PHOTOS: Meet the new faces of GMA Artist Center