Showbiz News

Michael V., napatanong kung kakayanin natin ang 'new normal'

By Aedrianne Acar

Mainit na pinagdedebatihan ngayon kung handa na ba ang Pilipinas sa tinatawag na "new normal" lalo na at pinag-uusapan kung ili-lift na ba ang modified enhanced community quarantine na pinaiiral dito sa Metro Manila

Kaya naman maraming napa-react sa Instagram post ng award-winning comedian at content creator na si Michael V. tungkol sa lagay ng mass public transport system sa Metro Manila.

Nag-post si Bitoy ng isang larawang nagpapakita ng mahabang pila sa isang istasyon sa MRT-3.

Sabi niya sa post, "Before COVID, ganito ang itsura ng NORMAL. Hindi lang sa MRT kundi pati sa majority ng establishments sa major cities dito sa 'tin.

"Napapa-isip talaga ako kung ano magiging itsura ng NEW NORMAL. Mahigit kalahati ang mababawas sa lahat ng bagay sa lahat ng lugar KUNG susunod ang lahat sa patakaran.

"Malaking sakripisyo at malaking pagbabago ang hinihingi ng 'new normal'.
"Tingin n'yo... kakayanin ba natin?"


Isang netizen ang nagsabi na nakikita niya na magkakaroon ng problema sa ganitong sitwasyon at marami raw ang mamamatay.

"Magkakaproblema po tayo pero mabilis din masosolusyonan kasi mamamatay din naman po ang karamihan sa makikipagsiksikan , kaawa po pero ganun po talaga mangyayari."

Napa-hirit tuloy si Michael V. kung ang nag-react na netizen ay ang karakter ba niya na si Kuya Thanos, "@boodiecezar Kuya Thanos? Ikaw ba 'yan?"

Naniniwala naman si @makivlsc na madadagdagan ang hirap ng mga taong tulad niya na umaasa sa public transport sa mnagyayaring "new normal."

"Magiging sobrang hirap meto lalo na sa mga katulad kong umaasa lang sa public transport. 'Yung mga nakikipagbuno araw-araw para makapasok sa trabaho at maka-uwi sa pamilya pagkatapos."

Tugon naman ni Michael V., "@makivlsc Sorry pero sa haba ng reply mo, napa-focus ako sa 'Pinoys are the living survivors.' Wala pa kasi akong nabalitaang "survivor na patay." Pasensya na.. COVIDyante lang."

Ano sa palagay ninyo, mga Kapuso, ang mangyayaring pagbabago sa "new normal"?