Showbiz News

Michael V. reminds public to avoid panic buying via artwork

By Aedrianne Acar

Matatawag na henyo pagdating sa pagpapatawa ang multi-awarded comedian na si Michael V. at ito ay muling napatunayan sa mga social media post ng Bubble Gang veteran na hindi lamang funny, pero may kaakibat din na paalala.

Ibinahagi kasi ni Direk Bitoy ang kanyang latest artwork na 'tila reminder sa mga tao na huwag mag-panic buying ngayong may krisis dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.


Marami namang napabilib sa post na ito ni Michael V. tulad nina Rocco Nacino at Paolo Contis.

Sa ibang balita, ni-report ng Department of Health (DOH) kahapon March 18, na hindi bababa sa 202 COVID-19 cases ang naitala sa bansa. Sa kasamaang-palad may 17 na ang namatay sa virus. Nakapagtala naman ang DOH ng pitong pasyente na naka-recover matapos magkasakit.


MORE ON THE CORONAVIRUS OR COVID-19 UPDATES:


IN PHOTOS: Celebrities who are on self-quarantine due to COVID-19


TINGNAN: Pinoy celebrities, pinairal ang bayanihan sa gitna ng COVID-19


Celebrities who are doing home workout during the COVID-19 quarantine