Showbiz News

Alden Richards, nabiktima ng prank call ni Lovely Abella!

By Felix Ilaya

Nabiktima si Alden Richards ng isang prank call na galing kina Lovely Abella at Benj Manalo para sa kanilang YouTube vlog.

Sa video, hiningan ni Lovely ng relationship advice si Alden dahil hindi raw sila nagkakasundo ni Benj.

Nagbigay naman kaagad si Alden ng kaniyang payo para kay Lovely ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na prank lang pala ang "away" ng showbiz couple.

Panoorin ang reaksyon ni Alden nang malaman niyang nabiktima siya nina Lovely at Benj sa video below:

Pagkatapos naman ng kanilang prank, ikinuwento ni Lovely kung gaano kabait si Alden.

"Simula noong nagtrabaho ako, hindi ko na-feel na baguhan ako. Napakabuti talaga ng puso niya, hindi dahil Alden na siya. Actually lagi din niyang sinasabi sa'kin na 'Ga, sa dami na ng pinagdaanan ko, ngayon pa ba lalaki 'yung ulo ko?' Which is true. Kaya siguro talaga siya blessed," kuwento niya.

Nagpasalamat naman si Benj kay Alden dahil hindi ito napikon sa kanilang prank.

Aniya, "Sobrang thank you, sobrang game na game ka. Alam namin na nakapabuti ng puso mo. Kahit naman bago mangyari 'to, 'nung nakilala natin si Alden sa SPS (Sunday PinaSaya) 'nung magkasama kayo doon, lalo pa 'noong nagkaroon ng 'Hello, Love, Goodbye,' sobrang naging close sila."