Showbiz News

Lolit Solis, hanga kina Mark Herras, Nicole Donesa, at Rocco Nacino?

By Bianca Geli

May words of praise ang showbiz manager/writer na si Lolit Solis para sa Descendants of the Sun Ph stars na sina Nicole Donesa, Mark Herras, at Rocco Nacino.

Sulat ni Lolit sa kanyang Instagram account: "Parehong nasa Descendants of the Sun sina Mark at Nicole pero special appearance lang si Mark at si Nicole ang regular.

"May celebrant din si Nicole kaya nang mag-celebrate siya ay nagpaluto siya ng pagkain at dinala sa mga frontliners sa Project 6 kaya tinawag nila ito na Project 26 for Project 6.

Dagdag pa nito, "At least nakikita ni Mark na meron heart for charity ang girlfriend niyang si Nicole. Bongga, magkasama sila naghatid ng mga food. Good work."

Mark Herras, Nicole Donesa show it's possible to have a romantic date at home


Masinop sa buhay

Samantala, may komento rin si Lolit tungkol kay Rocco tungkol naman sa pagiging masinop nito sa pera.

"Ang ganda ng bahay na ipinatayo niya out of his showbiz earnings , talagang nakita mo kung gaano siya kasinop sa pera, at kung paano niya inayos ang financial needs niya."

Kapuso Showbiz News: Rocco Nacino postpones moving to new house due to COVID-19

"Aside from magandang bahay, meron din siya investment sa mga negosyo nilang magkakaibigan.

"You cannot deny talaga na malaking bagay sa isang tao ang meron educational attaintment like Rocco who is a registered nurse. Tingnan mo, maayos at may focus. Good job Rocco, congrats!"


Kamakailan ay ipinuri rin ni Lolit ang international Filipino singers na sina Lea Salonga at Arnel Pineda pati na rin si KC Concepcion.