Showbiz News

Kim Domingo, ibinahagi kung bakit hindi na siya nagpapa-sexy

By Maine Aquino

Game na game na sinagot ni Kim Domingo ang tanong ng kanyang fans sa kanyang first video sa kanyang YouTube channel.

Isa sa mga itinanong kay Kim ay ang kanyang naging desisyon na itigil na ang sexy image.

Paano nga ba nauwi sa desisyon na ito si Kim?

Ayon kay Kim, "'Yung desisyon ko na 'yun, hindi naman siya 'yung tipong biglaan. Inunti-unti ko 'yun sa sarili ko.

"Ako mismo talaga, talagang pinakialaman ko 'yung sarili ko, na parang wala muna akong sinabi na, 'Uy, ano ah, titigil muna ako sa pagpapa-sexy."

Sa desisyon niyang ito, kinailangan niya ring huminto sa pag-pose ng sexy.

"Sinimulan ko siya sa sarili ko. Una diyan 'yung hindi na ako masyadong nagpo-pose ng mga sexy. Napansin ninyo 'yun, 'di ba?"

Ibinahagi rin ni Kim ang pagiiba ng kanyang pananamit.

"'Yung pananamit hindi na masyadong revealing 'yung mga damit ko. Kahit sa mga taping ko noon."

Ayon kay Kim, hindi na umano siya masaya sa kanyang ginagawa kaya nagdesisyon siyang itigil ang pagkakaroon ng sexy image.

"Naisip ko kasi na parang hindi na ako masaya sa ganon. Parang 'di na ako happy na 'yung mga tao 'yun na 'yung tingin sa akin."

Isa pa umano sa nagtulak kay Kim na tigilan na ang pagpapa-sexy ay ang pagkakaroon niya ng fans na mga bata.

"Nagkaroon ako ng fan na bata. Meron akong ginawang teleserye before 'yung Super Ma'am.

"Sabi ko ang galing naman kasi may mga bata pala na nakaka-appreciate sa akin, so doon nag-start."

Saad ni Kim ay masaya siya sa kanyang naging desisyon dahil nakikita niya na maraming tao ang humahanga sa kanya ngayon.

"Ang sarap pala sa feeling na hindi lang puro lalake yung nakaka-appreciate sa 'yo."

Inamin rin ng Kapuso star na dati siyang na-misunderstood dahil sa kanyang desisyon.

"Naaalala ko, nami-misunderstood ako kasi akala ng iba nag-iinarte na ako lalo na sa trabaho. For example sa isang show, meron na akong ayaw gawin kasi parang hindi ko na siya gusto."

Kuwento ni Kim, hindi na niya kaya umanong gawin ang pagpapa-sexy. Nagpapasalamat naman umano siya na naiintindihan siya ng kanyang mga katrabaho sa kanyang desisyon.

"Sabi ko, hindi ko na kayang gawin, feeling nila nag-iinarte ka. Pero 'di nila naiintindihan na hindi mo na nga gusto 'yung ganon. Hindi ka na nga masaya sa ganon.

"Pero 'yun na nga hanggang sa thankful naman ako kasi naintindihan. May mga taong sobrang nakaintindi sa akin. Hanggang sa 'yun na pumayag na rin sila na ganon."

Kim Domingo launches YouTube channel, answers fan questions on first video

Panoorin ang first vlog ni Kim sa kanyang channel: