Showbiz News

Kim Domingo wants to follow footsteps of award-winning actress Jaclyn Jose

By Dianara Alegre

Naglunsad si Bubble Gang babe Kim Domingo ng sariling YouTube channel kamakailan.

At para sa kanyang kauna-unahang vlog, ibinahagi ng aktres ang dahilan kung bakit gusto na niyang iwan ang imahe ng pagiging sexy star.

Ayon kay Kim, "'Yung desisyon ko na 'yun, hindi naman siya 'yung tipong biglaan. Inunti-unti ko 'yun sa sarili ko.

"Ako mismo talaga, talagang pinakialaman ko 'yung sarili ko, na parang wala muna akong sinabi na, 'Uy, ano ah, titigil muna ako sa pagpapa-sexy."

Sa desisyon niyang ito, kinailangan niya ring huminto sa pag-pose ng sexy.

"Sinimulan ko siya sa sarili ko. Una diyan 'yung hindi na ako masyadong nagpo-pose ng mga sexy. Napansin ninyo 'yun, 'di ba?"


Ibinahagi rin ni Kim ang pag-iiba ng kanyang pananamit.

"'Yung pananamit hindi na masyadong revealing 'yung mga damit ko. Kahit sa mga taping ko noon."

Ayon kay Kim, hindi na umano siya masaya sa kanyang ginagawa kaya nagdesisyon siyang itigil ang pagkakaroon ng sexy image.

"Naisip ko kasi na parang hindi na ako masaya sa ganon. Parang 'di na ako happy na 'yung mga tao 'yun na 'yung tingin sa akin.”

Isa pa umano sa nagtulak kay Kim na tigilan na ang pagpapa-sexy ay ang pagkakaroon niya ng fans na mga bata.

"Nagkaroon ako ng fan na bata. Meron akong ginawang teleserye before 'yung 'Super Ma'am.'

"Sabi ko ang galing naman kasi may mga bata pala na nakaka-appreciate sa akin, so doon nag-start,” aniya.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi naman ni Kim kung sino ang tinitingala niya at role model niya sa mundo ng showbiz.

Ito ay walang iba kundi si 2016 Cannes International Film Festival Best Actress Jaclyn Jose.

“Kasi, 'di ba, si Ms. Jaclyn nanggaling siya sa pa-sexy? 'Tapos tingnan mo naman ngayon, super daming nakuhang acting awards.

"Isa siya du'n sa mga taong tinitingnan ko na balang-araw maging gano'n ako,” lahad niya.

Para naman sa goal niyang ito, aniya, “Inunti-unti ko siya. Inuna ko siyempre, hindi na ako nagpo-post ng mga sexy photo tapos 'yung pananamit ko, hindi na rin ako masyado nagsusuot ng mga revealing clothes.”

Samantala, pinayuhan din daw siya ni Primetime Queen Marian Rivera, na naging katrabaho niya sa Super Ma'am, tungkol dito.

“Sabi niya, 'Kung saan ka masaya, kung saan ka mas kumportable, 'yun 'yung gawin mo. Tsaka maganda nga 'yan na mayroon ka pang ibang ipapakita,” dagdag pa ni Kim.

Kim Domingo slays in "Binibining Marikit" TikTok video

Kim Domingo reacts to being reimagined as Anastasia Steele in 'Fifty Shades of Grey'